Sunday, May 10, 2009

TAMAD ba ang ating TAGAPAG-BANTAY?

Siya ba'y TAMAD o Mr. Dreamboy?

Ang sekyu na ito ay hindi natin maituturing na tamad dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Ang tamad ay hindi natutulog sa upuan. Ang tamad ay maghahanap ng paraan upang makahiga at hindi lamang nakaupo.
  2. Ang tamad ay madumi tingnan. Sa itsura pa lamang ni Manong Guard halatang ilang oras ang ginugol niya sa pagpahid ng pomada sa kanyang buhok at pagplantsa ng kanyang uniporme.
  3. Ang tamad ay walang pakialam sa oras. Makikita naman natin na si Manong Guard ay may suot-suot na relo.
  4. Ang tamad ay hindi nagtatrabaho ng gabi.
  5. Ang tamad ay hindi nagpapagupit ng buhok. Sa itsura palang nito halata nang siya ay bagong gupit.
  6. Ang tamad ay hindi natutulog na nakabukas ang ilaw. Maliban na lamang kung ang switch ay nakakatamad abutin.
source photo: http://farm4.static.flickr.com/3058/2323713632_b00262d731.jpg

1 comment:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete