Siya ba'y TAMAD o Mr. Dreamboy?
Ang sekyu na ito ay hindi natin maituturing na tamad dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Ang tamad ay hindi natutulog sa upuan. Ang tamad ay maghahanap ng paraan upang makahiga at hindi lamang nakaupo.
- Ang tamad ay madumi tingnan. Sa itsura pa lamang ni Manong Guard halatang ilang oras ang ginugol niya sa pagpahid ng pomada sa kanyang buhok at pagplantsa ng kanyang uniporme.
- Ang tamad ay walang pakialam sa oras. Makikita naman natin na si Manong Guard ay may suot-suot na relo.
- Ang tamad ay hindi nagtatrabaho ng gabi.
- Ang tamad ay hindi nagpapagupit ng buhok. Sa itsura palang nito halata nang siya ay bagong gupit.
- Ang tamad ay hindi natutulog na nakabukas ang ilaw. Maliban na lamang kung ang switch ay nakakatamad abutin.